Immortality (inspired by Bob Ong)
July 15, 2006
*How corny can you get talaga, sometimes.
May I approach the question from a different perspective…
just playing around mates…
Being immortal, however surreal it may sound, may also be discussed in serious (realistic, perhaps) terms…I think, hehe.
Reason would force us to believe that being immortal is another figment of the imagination of the people who really do not have anything important to spend their time by. Hehe mga tambay baga.
Consider this…
Taking the elementary case of the famous geometrical figure - the circle. Man’s idea of the circle is a closed figure that has no corners nor straight lines. Every point along the circle is, relative to any other point, equidistant from the center. It is sad that the so-called scientific progress of man cannot even allow him to draw a perfect circle…no matter how hard we try, using even the most modern technology, we have not created nor drawn a perfect circle in history…however perfect a circle seems, when magnified, it would still have corners and straight lines…(you may want to try and draw a circle using your compass and look at it through a magnifying lens to verify this)..and funny…the more perfect a circle seems to the eye…when magnified, the more corners and lines it has…quite the opposite of our idea of the circle right?
So…wait…isipin ko lang…share ko na rin naiisip ko…while your senses tell you that you are seeing a circle, reality tells you otherwise. However, just because we cannot seem to create a perfect circle, doesn’t mean that a perfect circle does not exist…remember, it has existed in your mind already by cognizing the notion of a closed figure which has neither lines nor corners…Alas! (hehe, dos) there’s your sign…(hehe, ulit) so it goes that what’s more perfect is what’s in the mind…what’s more perfect and real is not the denotation of an idea but the idea itself…(yikes, ahhh…hindi ko na ata alam mga sinasabi ko…pero sige, subok lang naman e…)
Teka, at eto na…susubukan ko nang i-relate ang mga pinagsasasabi ko na mas walang kwenta pa kesa sa appendix ko at mas nakakaasar pa kesa sa kulangot na nakadikit sa pader ng kwarto ng kapatid ko (na ako nga din pala ang naglagay, nyahahaha!)…
…okay…nagbabalik ang…Da Buzz! Hehe…
May kausap ako nung isang umaga, sabi niya i-describe ko daw yung bestfriend ko…Inisip ko na "putsa," kala mo siguro mababaw akong tao at ang isasagot ko ay - mataas siya sa akin ng isang dangkal, wala nang ibang mas kukulot pa sa buhok niya kundi ang buhok ko sa ibaba, sa laki ng mga pores niya sa mukha, nahihiya na ang buwan sa sarili niya, at nung magka-tsunami e dahil sa nakatulog yung kaibigan ko at tyumempo ang buwan na lumabas na may ipong lakas kaya ganun na lang kalakas ang gravitational pull neto…hehe…at kung anu-ano pang mga papuri…
Pero hindi naman ako ganun kababaw (sabi ko sa sarili ko) kaya ang sagot ko - welllll…(ala Jimmy Santos)…she has the nicest smile ever…or smiles pala coz she has 75 different kinds…her eyes speak a language…her voice soothes the burning kiss of thirst on my throat more than Beethoven’s Symphony No. 9, or the Alleluiah Chorus, or Yano’s "Banal na Aso." nyahahahehe…
Kala ko ma-iimpress saken yung kausap ko at sasabihing: "Awwww…you’re so sweet!!!"
Kaya lang, alam mo sabi niya?!…"E kung nasabuyan sya ng asido sa mukha at ang buhok niya na lang sa ilong ang hindi nagbago, kikilalanin mo pa ba siyang kaibigan…makikilala mo pa ba siya?" Sabi ko sa sarili ko…kaya naman siguro akong ipagtanggol ng mga abogadong Howlers na kaibigan ko kapag napatay ko ‘tong kausap kong parang katatakutan pati ni satanas…wala na yatang mas bubrutal pa sa ungas na’to!!! Pero, siyempre, alam mo naman ang mga howlers…always calm and diplomatic even in the face of danger…(naks!) Nasagot ko na lang na: "Siyempre naman pow…" (sabay flash ng astig Howler smile) Tapos, tanong ulit si taning: "E kung maaksidente siya at maputol ang mga kamay at paa niya at para na lang siyang yung mga inflatable na laruan na may buhangin sa ibaba kaya nakatayo palage?, sino na ang besfriend mo duoon?" Sagot ako: "Siyempre siya lang…" Mukhang sukdulan ata ang sama ng loob sa mundo kaya tanong pa rin: "E kung talagang hindi mo na siya makita, dahil maaaring nabulag ka na o kaya basta naglaho lang siyang parang bula, parang anghit kapag naglagay ka ng deodorant kahit hindi ka naliligo?" (Sabi ko sa sarili ko: "parang katulad ng gagawin ko sa’yo ngayon?!
") Pero sabi ko sa kanya: "Siya pa rin yung nakilala kong kaibigan, hindi pa rin siya nagbago." Hala!, hindi ko na kaya kako ang kakulitan neto…nagpaalam na ako sa kanya na parang walang nangyari…
pero…
Nung kinagabihan, habang nagpapahinga na ako sa kwarto ko, nakahiga at kinakapa ang ilalim ng kama para bilangin kung ilang pinatigas na juicy fruit na ang naipon ko doon…sabi ko sa sarili ko…kahit na pala hindi ko na nakikita ang bestfriend ko, buo pa rin ang imahen niya sa aking isip, hindi nagbabago, mabawasan man ng tighiyawat, siya pa rin yun! So kahit na wala siya sa tabi ko, buhay siya sa aking alaala, ang alaala niya ay hindi mawawala, kulot man o hindi, siya pa rin, the "idea" of the bestfriend that I have remains…kahit siguro yumao na siya…Kaya siguro ganun ay dahil sa ang daming maliit na bagay ang nagawa niya para sa akin at para sa ibang tao para makalimutan na lang siya ng ganun ganun eh…
Hmmm…makes you think…on the question of immortality…bkit kaya hanggang ngayon buhay si Rizal, o si Beethoven, o si Plato, Socrates, o si Jesus Christ…baka siguro dahil they left something for us to remember them by…ano sa palagay nyo? So…since it is impossible to be immortal in physical terms, better be immortal in "idea," mas real pa, mas perfect…tama ba?
Kaya lang, eto po ang problema ko ngayon…bakit si Hitler hanngang ngayon buhay din, o si Padre Damaso na ninuno ng mga rapist, o si Magellan, o yung kusinerong pumatay kay lapu-lapu? Ibig bang sabihin, to be immortal, you must be either ultimately selfless or ultimately sel’fish’? hehe…buti na lang binasa mo ‘to, ako nga ayokong basahin eh. Oo nga pala, yung unang tatlong lines ang kailangang basahin ha…
joke!
December 10th, 2008 at 9:16 pm
Hi!
xxoxo
I made on photoshop anime myspace pictures.
take a look at them:
http://tinyurl.com/5w2eqc
Thanks for your website