My Spectacles
September 22, 2006
Why does it have to look good on everybody else and not on me?
Naiinggit ako dun sa mga naka-eyeglasses na bagay sa kanila, kase I still fantasize about wearing one that would make me look endearing and stylish. Medyo marami na rin ang naisukat ko pero walang bumagay talaga e. Alam mo yung kahit walang grado. Basta may maisuot lang. Pero kunyari ay para mabawasan ang effect ng radiation galing sa monitor. Pathetic ba? Walang pakielamanan ah! Hehe.
“Hindi malabo ang mata mo, mataas lang ang blood pressure,” sabi ng optometrist (ba yun? O ophthalmologist) na pinagpatinginan ko nung high-school pa ko. May mga dalawang buwan ko rin kasing kinulit ang nanay ko na magpasukat na ako ng salamin dahil sumasakit na kako ang ulo ko at may diperensya ata ako sa mata. Disappointment…ang inabot ko nang imbes na ang pinapangarap kong salamin e isang bote ng garlic supplement ang bitbit ko pauwi. Brod!!!…Garlic supplement!!!…Na pag uminom ka sa umaga e maghapon mong ididighay!
Gusto ko. For no important reason. Hindi ko pwedeng ipilit. Hindi talaga para saken.
Hmmm…isa ito sa mga naranas ko sa buhay na nagpapatunay na kahit sa mga simpleng bagay ay nagkukubli ang kaibuturan ng kaalaman.
Sabagay, sa ipis nga e meron akong natutunan eh: ang katuparan ng ‘kadiri-to-death.’ Nyahaha!!! Yun bang sobrang kadiri e makakapatay ka ng tao. Ano, gusto mong i-try?
Sinigang na ulo-ulo ng ipis
Minatamis na ipis
Bagoong na ipis
Ano…tuloy lang? :-p
Eto cute: ipis supplement.
Hindi ko maalis sa buhay ko yung pangarap na magkasalamin kase it represents my pretensions and insecurities in life and how I struggle for them to not manifest. And actually, it’s nice that everytime I think about it I get reminded that I cannot just have anything that I desire. And that if what I badly want doesn’t really fit me, then the fact that I’m never going to have it should be easier to accept.
It may not be easy to rid oneself of his pretensions and insecurities, so I’m keeping my spectacles. Go get yourself one also, you just might like it.
Coming soon: “Love and papercut”
September 26th, 2006 at 9:04 am
Ako, hindi bagay sa’kin ang magsumbrero. Kahit anong klase ng head gear hindi bagay sa’kin. Gustung-gusto ko magsumbrero. Kasi gusto kong itago ang buhok ko. Kulot kasi e. Yun lang.
October 3rd, 2006 at 2:40 pm
sadyang malabo na ang akong mga mata kaya hindi ko man gustuhin, nakasuot ako ng salamin para sa mata! bumagay nga lamang sa akin! hehehehehe
isang bagay naman na hindi ko masuot na talagang hindi ko ipipilit ay ang itim na balat na sapatos kasabay ng maong na pantalon!
December 25th, 2007 at 9:39 am
i know that eyeglasses manifest pretensions and insecurities in life. But I don’t have pretensions and insecurities in life.I just want to wear one. INGGIT K LNG!GANDA KO KSE!aminin mo n.Singular or plural?
December 25th, 2007 at 9:43 am
Abnoy…ayaw ko nga sayo kasi pa-cute ang dating kung ako ang titingin…you are beautiful with or without accessories, honey..i hope i dont fail to tell you and show you that i think that often.
May 29th, 2008 at 7:58 am
i myself em very picky pagdating sa shades di kz lahat ng shades e bagay saken… lalo pa kaya ang salamin sa mata? ni sa hinuha di ko pa ata na try magsukat ng salamin na may grado until recently ng umuwe ako ng Pinas madalas mag-twich ang left eye ko ng nagpatingin me sa opthalmoloogist ba, ayun recommend for glasses na rin ako… until now di pa rin me masanay, mejo nag-a-adjust pa ko dito sa spectacles ko… hahaha ni hindi nga ko nagpakuha ng pictures wearing this… sabe nila di sila sanay makita ako ng nakasalamin… hehehe…