Yellow Platform Edge
July 12, 2007
“Wala na. Puno na,” sabi nung mga nakasakay sa tren. “Wehhh….meron pa sa gitna e, ” sabi ko sa sarili ko. E hindi ko naman masabi ng malakas at baka mamaya kung ano pa ang mangyari saken dun sa harapan ng mga naiwan sa station. Dun ako sa harap naiwan kaya medyo umi-istayl akong maka-atras ng pasimple, tinutulak palikod yung mga naggitgitan na rin sa likod ko.
“Please do not step on the yellow platform edge.” Ayan, naiwan na naman ako…peste!
Tuwing umaga na lang sobra ang sinusuong kong pakikibaka sa pagsakay ng MRT. Alam mo yung maliligo ko ng maayos at magsusuot ng plantsadong polo at pantalon sabay pagdating sa North Station e sa EDSA pa lang parang fans day na ni Ben Tambling! Kung minsan e lampas pa sa kalahati ng kalaparan ng EDSA ang pila sa baba ng mga pawisa’t nagsisingawang mga pasahero. Talaga namang bago ka makarating sa opisina e gusgusing talbos ng kamote ka na.
“Please do not step on the yellow platform edge.” Ayan, naiwan na naman ako…kamote!
Paminsan-minsan, katulad kaninang umaga, sa may Kamuning Station nako bumaba ng bus kesa sa North. Minsan kasi ay hindi nagsasakay ang mga tren sa North at stations e. Pag sini-swerte ay maalwan ang nagiging pagsakay ko. Pero ngayon, hindi.
Quezon Avenue
“Please do not step on the yellow platform edge.” Ayan, naiwan na naman ako…huhuhu!
Pag nakasakay ka naman na e nagsisimula pa lang ang kalbaryo. Nandyan ang mga nagbabasa ng Libre sa loob. Ang sikip sikip nyo na sa loob ah, nagpipilit pa ring magbasa kahit nakatapal na sa mukha ng katapat nila yung dyaryo. Dali nga…pasilip na lang sa Pugad Baboy…
“Please do not step on the yellow platform edge.” Ayan na! Tulakan na naman ang mga pumapasok!
Lalagabog pa ang pinto sa pagpipilit nung iba na buksan na kagad ang pinto ng tren e. Sasampal pa sa mukha mo yung mabibigat at dambuhalang bag nung iba! Utangnaloob talaga!
“Please do not step on the yellow platform edge.” Ayan, bababa nako, yahu!
Astig talaga ang bawat umaga ng mga permanent pedestrians…pagdating mo sa trabaho pwede ka nang maglibag ulit e…
March 26th, 2008 at 8:10 pm
nice one, mic! korek ka riyan…and pagsakay ng MRT ay pagsabak sa isang giyera. hehehe! i miss reading you, mic! keep it coming, pare!
April 1st, 2008 at 7:31 pm
mnsan lng ako magMRT pro naranasan ko ung hrap, ung maiwanan ng ilang beses kung di ka makikipagbalyahan. kya nagtataxi na lng ako kadalasan kht mahal pamasahe at least sulit nman ung pinaligo mo sa bhay, fresh pa rn d b? =)
May 4th, 2008 at 11:52 am
Bern! Pare, ngayon ko lang nabasa comment mo…it motivates me knowing you miss reading my blurbs. Thank you. I hope I can have the discipline of writing about some more of my thoughts soon.
May 4th, 2008 at 11:55 am
Pareng Jo, natutuwa naman ako at binasa mo din to…hehe…pare-pareho kase tayo ng sumpa tuwing rush hour e. Kapag nakapagsulat ako tungkol sa misteryo ng pagiging kontrapelo naten sa bilyar e basahin mo din ha?
May 29th, 2008 at 7:46 am
friend lam mo nalibang mo ko sa experience mo na yan… ito ang isang istorya na napaka aliw basahin kase totoong nangyayayari kahet na alam ko na nasusura ka ng ginawa mo ito, it turned out something wittingly done… nakaka-aliw basahin ang blogs mo, even here in singapore ganyan din ang scenario, only that mas marameng commuters ng MRT sa Pinas, dito kahet pano sa loob ng MRT nakakahinga pa naman ako ‘pag rush hour (=